Kauumpisa pa lang ng Pebrero ay isang malungkot na balita na agad ang gumimbal sa mga Pinoy Asianovela fans, dahil nitong Feb. 2 ay pumanaw na ang Taiwanese multi-artist na si Ms. Barbie Hsu (徐熙媛) kahapon dahil sa kumplikasyon dulot ng pneumonia.
Kilala sa kanyang iconic role sa 2000s monster hit na Meteor Garden bilang si Dong Shan Cai, tumatak na ang kanyang pangalan sa mga Pilipinong manonood magmula noon.
Bukod sa MG, bumida rin sya sa napakaraming roles sa pelikula at telebisyon sa Taiwan, kabilang dito ang Eternity (2003), Corners with Love (2007), at Mars noong 2004 kasama si F4 (JVKV) member Vic Zhou.
Bukod sa acting, isa rin syang in-demand model at singer at member ng girl group na ASOS.
Naglabas naman ng pahayag si Jerry Yan, na gumanap bilang Dao Ming Si sa "Meteor Garden", kaugnay sa pagpanaw ng kanyang co-star na si Barbie. Sa kanyang mensahe, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa pagkakakilala kay Barbie at sa mga alaalang kanilang pinagsaluhan. Sinabi rin niya na mananatili sa kanyang puso ang mga ito magpakailanman.
"Thankful for meeting you, in your carefree childlike years, you always said to live everyday as if it were your last and enjoy it to the fullest."
Tatlong taon naman ang nakakalipas nang nagpadala ng mensahe ang pumanaw na aktres kay Yan sa isang reality based TV show. Yun na pala ang huli.
"You're always be my first leading man, Dao Ming Xi. Shan Cai will always be with you"
在天堂安息吧,我们亲爱的杉菜
(Rest in paradise, our beloved Shan Cai)
No comments:
Post a Comment