Marahil nagtataka kayo kung bakit ilang araw nang wala ang ating young Dabarkads na si Atasha Muhlach sa Eat Bulaga.
Ito dahil bukod sa kanyang napakaraming product endorsements at kabi-kabilang proyekto, kamakailan lang ay inanounce sa facebook page ng Studio Viva na si Tash ang isa sa gaganap bilang lead actress sa Philippine adaptation ng hit Thai film na “Bad Genius.”
Ang orihinal na “Bad Genius” ay sumikat noong 2017 sa Thailand at tumanggap ng international acclaim dahil sa kakaibang kwento nito—isang grupo ng matatalinong estudyante na gumamit ng kanilang katalinuhan para mandaya sa mga eksaminasyon.
Ngayon, isang Pinoy na version ang ginagawa, at isa si Tash ang napiling gumanap bilang bida. Sa bagong proyektong ito, masusubukan ang kanyang improvement bilang aktres sa isang role na puno ng tension, diskarte, at emosyon.
Bagamat hindi pa inaanunsyo ang buong cast at production team, tiyak na magiging isang matinding tagisan ng talino at drama ang Pinoy adaptation na ito.
Si Atasha, anak ng mga beteranong aktor at 80s matinee idol na si Aga Muhlach at Former Beauty Queen na si Charlene Gonzalez-Muhlach, ay unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan sa industriya. At sa proyekto niyang ito, asahan ang panibagong mukha ng young Pinay talent.
Abangan ang higit pang detalye sa mga susunod na linggo — kasama na ang official trailer at release date.
No comments:
Post a Comment