Sa tindi ng heat index ngayong summer 2025, isang nakakagulat sorpresa ang hatid ng Eat Bulaga! sa kanilang mga Dabarkads!
Sumakses ang paglulunsad ang kanilang bagong mall-based segment na “Sugod Mall mga Kapatid”, tampok ang mga paboritong Dabarkads—Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, at ang naggagandahang Singing Queens!
Ginanap ang unang leg ng mall invasion sa Fisher Mall sa Malabon City, kung saan dinagsa ng mga mall goers ang entablado na nagpapalamig lang sa mall. Lalong uminit ang hapon nang bumida ang Dabarkads sa live na "Sugod Bahay" na ngayon ay hatid sa mismong mall. Kasama pa ang pa-contest, kantahan, at walang humpay na tawanan!
Isa sa mga highlights ng segments ay ang pagbabalik ng OG Takbuhan at Bayanihan kung saan nilalapag ang mga numero at pinatatakbo ang ating mga dabarkads depende sa specific na gender at item na hinihingi ng mga hosts. Ang parte ng segment na ito ay unang ginamit sa "Juan For All All for Juan: Bayanihan of the Pipol". A total of 15 participants ang maswerteng nabunot -- sampu sa kanila ay nakatanggap ng tig-isang sako ng bigas mula sa Grainsmart Rice at lima naman na nakatanggap tig-P5,000.
Isang mall-goer naman na nakapila ang maswerteng nabunot para tumanggap ng mga regalo mula sa mga sponsors ng programa plus P50,000 mula kay Bossing.
Ang Singing Queens naman na sina Eunice Janine, Anne Ferrer, Sam Rascal, Jean Drilon, at Khayzy Bueno ay muling nagpakilig sa kanilang live performances. Tila may mini mall show na rin para sa SQ natin dahil kasama rin sila sa TV5 Kapatid Caravan sa SM City Caloocan. A great opportunity para maging connected pa sila sa kani kanilang mga fans.
Courtesy: TVJLayunin ng “Sugod Mall mga Kapatid” na maipagpatuloy ang bayanihan sa gitna ng nararanasan natin mapanganib na heat index. This is a also a great way para maihatid naman ang swerte at pag-asa sa mga dabarkads na --- mula barangay hanggang mall. Ayon sa production team, hindi ito magiging one-time event kundi isa sa mga regular na paraan ng Eat Bulaga! hindi lang para maabot ang mas maraming Dabarkads sa buong bansa kundi ito ay para na rin sa health safety ng mga hosts, staff at mga kalahok. Ayon naman kay Bossing Vic Sotto, babalik pa rin naman ang EB sa mga barangay once na humupa na ng heat index sa bansa at nagtapos na ang summer.
Abangan: Saan nga ba ang next stop ng “Sugod Mall mga Kapatid”? Siguraduhing naka-tutok sa Eat Bulaga! at TV5 bat RPTV para sa susunod na sorpresa!
No comments:
Post a Comment