Isa sa mga pinakamalalaking tagumpay ay ang pagkakapili muli kay Senator Tito Sotto bilang miyembro ng Senado base sa mga lumabas na partial unofficial results kung saan sya ay pumapangwalo sa Top 12 na senador na may 14,596,819 votes, habang si Pasig City Mayor Vico Sotto ay muling nagwagi via landslide with 345,375 votes laban kay Sarah Discaya na may 29,104. Samantala sa Quezon City naman, ang anak ni Tito Sen na si Gian Sotto, ay nanalo din sa pagka-Vice Mayor via landslide with 919,089 votes laban sa pinakamalapit na kalaban nito na may 26,523 lang. Si Wahoo Sotto na tumatakbo muli bilang konsehal ng 2nd District ng ParaƱaque, ay pasok din sa Magic 8 may 92,854 votes.
Ang social media strategy, transparency, at consistent public service performance ay ilan sa mga nakita ng publiko na dahilan para muli silang pagkatiwalaan.
Pagkatalo ng Jalosjos at Kasambahay
Sa Zamboanga Del Norte naman, hindi naging matagumpay ang pagtakbo ng mga kandidato ng Jalosjos family sa lokal na posisyon, partikular sa Zamboanga del Norte. Kasama rito ang kanilang pagsuporta sa Kasambahay Party-list na hindi rin nakakuha ng sapat na boto upang makaupo sa Kongreso.
Ayon sa latest partial unofficial count sa pagka-gobernador, pumangalawa lamang si TAPE Inc. CFO Bullet Jalosjos na may 217,022 votes laban sa nangungunang si Darel Uy na may 353,573 votes. Habang si Cely Carreon naman na may 56,651 ay bigo laban sa nangungunang si Pinpin Uy na may 90,943 votes para sa pagka-kongresista ng 1st District ng lalawigan. Talo din para sa pagka-kongresista ng 3rd district si Cesar Jalosjos na may 67,903 votes lang laban sa nangungunang si Ian Amatong na may 119,156 votes. Bigo din makapasok sa Kongreso ang kanilang Kasambahay Party-list na nasa ika-99 na pwesto na nakakuha lang ng 108,891 votes.
Marami ang nagsasabing bunga ito ng unti-unting pagtalikod ng publiko sa political dynasties at mga isyu ng katiwalian na kinaharap ng pamilya sa mga nakaraang taon. May mga kababayan naman tayong Dabarkads naman na nagsabing ito ay 'karma' bunga ng kawalan ng respeto ng mga Jalosjos sa mga original hosts at authors ng titulong Eat Bulaga na sina Tito Vic and Joey at maging sa mga Legit Dabarkads na syang dahilan ng pag-exodus nila sa TAPE Inc. na pagmamayari ng mga natalong political family.
Ang resulta ng eleksyon ngayong taon ay patunay ng lumalalim na kamalayan ng mga Pilipino pagdating sa pamumuno. Mas pinili ng mga botante ang mga kandidatong may malinis na track record, malinaw na plataporma, at epektibong serbisyo kaysa sa bigating apelyido o kilalang pangalan.
Ang tagumpay ng mga Sotto at pagkatalo ng Jalosjos ay isang malinaw na mensahe mula sa sambayanan: panahon na para sa pagbabago, at ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng mga botanteng Pilipino.
No comments:
Post a Comment