Credits: GMA Network Wiki
Sa isang eksena mula sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, naging emosyonal si Shuvee Entrata habang ibinabahagi niya ang nararamdaman tungkol sa bansag na “Starlet ng Kamuning” — isang term na madalas iugnay sa mga bagong artista ng Sparkle GMA Artist Center.
“Until now, nakukuha ko pa rin yung ‘Starlet ng Kamuning.’ Nasasaktan ako for GMA.” – Shuvee Entrata
Sa simpleng linyang ito, ramdam na ramdam ang sakit at panghuhusgang nararanasan hindi lang niya kundi ng marami sa mga artista ng GMA. Ang salitang "starlet" ay matagal nang ginagamit sa showbiz bilang pangmamaliit — parang sinasabing hindi pa “big time” o hindi pa kilala.
Pero sa kabila ng ganitong stereotyping, tuloy pa rin ang Sparkle GMA sa pag-produce ng mga talented, hardworking at promising na talents. Marami sa kanila ay may solidong fanbase at tuloy-tuloy ang projects sa TV, movies, at digital platforms at pati na rin ilang mga product endorsements.
Ang matapang na pahayag ni Shuvee ay naging mitsa ng mas malawak na usapan online.
Sa isang industriya kung saan mahalaga ang image, branding, at public perception, ang mga label tulad ng “Starlet ng Kamuning” ay may epekto sa confidence at career ng mga artista. Kaya hindi biro ang sinabi ni Shuvee — isa itong panawagan para sa respeto, regardless kung Kapamilya, Kapuso, o Kapatid ka man.
Mas dumami pa ang suporta kay Shuvee mula sa netizens, na nagsabing tama lang na magsalita siya at ipagtanggol ang mga kapwa niya artista. Isa lang ito sa mga patunay na kahit sa loob ng bahay ni Kuya, lumalabas ang totoong kwento ng showbiz life.
No comments:
Post a Comment