QUEZON CITY, Philippines — Isang matinding hakbang ang isinampa ng GMA Network Inc. laban sa mga opisyal ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) matapos umano'y maling paggamit ng pondo na umaabot sa halagang ₱37,941,352.56.
Ayon sa opisyal na pahayag ng GMA, ang reklamo ay isinampa sa Office of the City Prosecutor of Quezon City. Sa reklamo, pinangalanan ang mga sumusunod bilang mga respondent:
Romeo Jalosjos Jr. (dating President at CEO)
Romeo Jalosjos Sr. (Chairman of the Board)
Seth Frederick “Bullet” Jalosjos (Treasurer)
Malou Choa-Fagar (dating COO at kasalukuyang President at CEO)
Michaela Magtoto (dating Senior Vice President for Finance)
Zenaida Buenavista (Finance Consultant)
Credits: GMA Network
Batay sa reklamo, nabigo ang TAPE na i-remit ang advertising revenues na kanilang nakolekta mula sa mga advertisers nito — pondo na ayon sa 2023 Assignment Agreement ay nakalaan para sa GMA Network. Sa kabila ng paulit-ulit na pormal na kahilingan, hindi pa rin nai-transfer ang nasabing halaga sa GMA, at sa halip ay ginamit umano ito ng TAPE para sa kanilang operational expenses.
Ito ay malinaw na paglabag sa kasunduan at isang uri ng estafa with abuse of confidence.
Ayon sa GMA Network, layunin ng legal na hakbang na ito na panagutin ang mga sangkot at mabawi ang nawawalang pondo bilang bahagi ng kanilang commitment sa transparency at accountability.
> “GMA Network is pursuing legal action to hold the responsible officers accountable and to recover the misappropriated amount.”
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa panig ng TAPE Inc.
No comments:
Post a Comment