Ayon sa kautusan ng korte, inuutusan ang kampo ni Direk Yap na burahin at alisin sa lahat ng platforms ang mapanirang 26-sec teaser video kung saan dinadawit si Bossing sa mga nangyari umano sa pumanaw na softdrink beauty na si Pepsi Paloma.
Matatandaang ang teaser video nga ay naglalaman ng mapanirang content kung saan nabanggit ang pangalan ni Bossing bilang ang taong nanamantala umano kay Pepsi na base sa patanong na dialog umano ni Charito Solis (Gina Alajar).
Nakarating ito sa attention ng kampo ni Bossing at nakaapekto hindi lang sa kanyang pangalan at kredibilidad bilang artista/public figure kundi na rin sa kanyang pamilya lalong lalo na kanyang asawa at mga menor de edad na anak.
Di na nagdalawang isip pa si Bossing na magsampa ng reklamo sa Muninlupa RTC 205 ng 19 counts of Cyberlibel laban sa pasaway at Iskandalosong direktor sa tulong ng kanyang legal counsel sa pangunguna ni Atty. Buko Dela Cruz, ang winningest lawyer na nagpanalo din sa TVJ para mabawi ang trademark na Eat Bulaga laban sa dati nitong producer na Tape Inc.
Gayunpaman, pinayagan pa rin si Yap na ituloy ang production at pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan.
Sa magkahiwalay na statement, nagpasalamat naman ang maybahay ni Bossing na si Mrs. Pauleen Luna-Sotto at si Atty. Buko Dela Cruz sa Muntinlupa RTC sa pagpapairal nito ng tamang hustisya at pati na rin sa libo libong fans na nagdarasal at kasama nilang lumalaban para sa katarungan #JusticeForVicSotto.
No comments:
Post a Comment