Nagsisimula na ang excitement! Kung isa kang loyal at LEGIT Dabarkads, sigurado akong napanood mo na ang announcement ng TVJ o napansin mo na ang buzz online about the upcoming Anniversary ng Eat Bulaga! ngayong July at mayroon silang very special treat para sa mga naging bahagi ng kanilang 46 years legacy.
Recently, lumabas sa social media ang isang post mula sa TVJ na nagpaalala sa nalalapit na milestone na ito. Pero bukod sa pag-celebrate, mayroon din silang very interesting na panawagan:
"Kung naging part ka ng mga Tatak Eat Bulaga Segment, ikaw na ang hinahanap namin dito sa laro ng mga henyo — GIMME 5!"
Wow! This is definitely exciting news for all the long-time viewers at sa mga naging bahagi ng longest-running noontime show sa Pilipinas. Ang "Tatak Eat Bulaga" segments ay naging iconic sa kultura ng Philippine telebisyon. Mula sa mga laugh-out-loud moments hanggang sa mga touching stories, marami na ang naging memorable sa atin.
Kung ikaw ay nakasali sa mga Legit Tatak Eat Bulaga segment kagaya ng Little Miss Philippines, Mr. Pogi, Laban o Bawi, Super Sireyna, Tunog Tao at marami ang iba, it's your chance to revisit those memories and perhaps even create new ones!
Ang panawagan para sa "GIMME 5" ay nagpapahiwatig ng isang laro o segment na para sa mga nakabalik, o mga 'veterans' ng Eat Bulaga. Imagine sharing your unique experience on national TV once again!
Bakit Dapat Ka Sumali?
- Relive the Memories: Ito na ang perfect opportunity para balikan ang mga masasayang moments na naging bahagi ka ng Eat Bulaga!
- Share Your Story: Ang iyong karanasan ay inspirasyon para sa marami. I-share mo ang iyong "Tatak Eat Bulaga" experience at kung paano ito nakaapekto sa buhay mo.
- Be a Part of History Again: Ang Eat Bulaga ay patuloy na lumilikha ng kasaysayan, at pwede kang maging bahagi niyan muli sa kanilang anniversary celebration.
- Meet Your Dabarkads: Another chance to interact with Tito, Vic, and Joey and the rest of the Legit Dabarkads!
So, ano pa ang hinihintay mo, Dabarkads? Kung naging part ka ng "Tatak Eat Bulaga" segment noon, ngayon na ang chance mo! Huwag kang magpahuli. I-share mo ang iyong "Eat Bulaga experience" at baka ikaw na ang susunod na makikita natin sa "GIMME 5"!
MAHALAGANG PAALALA lang namin dito sa LMTV DIGITAL, LEGIT DABARKADS lang po ang kasali dito, meaning lahat ng mga naging parte lang ng iconic noontime show MALIBAN lamang sa mga sumali noong de facto version ng programa mula June 5, 2023 hanggang January 5, 2024. Sa madaling salita, bawal po ang FAKE, DOON TAYO SA LEGIT!
So See you, Legit Dabarkads! Let's celebrate Eat Bulaga's anniversary together!
No comments:
Post a Comment