Fan ka ba ng Original Pilipino Music (OPM) o P-Pop at gusto mong suportahan ang iyong paboritong artist? May perfect platform para diyan: ang Vibe PH!
Ang Vibe ay isang fan-powered OPM platform kung saan ang boses mo ang naghuhubog sa tunog ng industriya. Sa pamamagitan ng pagboto, makakatulong ka sa iyong idol na makapasok sa Top 10 at mapabilang sa mga timeless icons ng OPM scene.
Para sa mga nagtatanong, narito ang kumpletong guide kung paano bumoto sa Vibe PH. May tatlong paraan para makapag-cast ng iyong boto: ang Power Voting, SMS Voting, at Messenger Voting.
1. Power Voting (Online Paid Voting)
Ito ang paraan para makapagbigay ng maraming boto sa isang artist.
* Pumunta sa Vibe Website: Bisitahin ang vibeph.tv at hanapin ang POWER VOTING section.
* Pumili ng Kategorya: Piliin kung "MAINVIBE" o "UPRISING" ang iyong bobotohan.
* Hanapin ang Artist at Song: I-type ang pangalan ng artist at ang kanta na gusto mong iboto. Double-check na tama ang spelling!
* Pumili ng Voting Package: May iba't ibang options para sa iyo:
* ₱20 para sa 10 votes (₱2.00/vote)
* ₱40 para sa 50 votes (₱0.80/vote)
* ₱60 para sa 100 votes (₱0.60/vote)
* Kumpletuhin ang Bayad: I-tap ang "PAY" at sundin ang instructions para matapos ang payment process.
2. SMS Voting (Smart/TNT Prepaid)
Kung Smart o TNT subscriber ka, madali lang bumoto sa pamamagitan ng text!
* Format ng Boto: Siguraduhin na tama ang format ng iyong text:
* Para sa MAINVIBE: VIBE MAINVIBE <ARTIST> <SONG>
* Para sa UPRISING: VIBE UPRISING <ARTIST> <SONG>
* Halimbawa: VIBE MAINVIBE Ben&Ben Leaves
* Ipadala sa 3456: I-send ang iyong formatted text sa 3456.
* Bayad: ₱2.50 per SMS vote.
* Reminder: Maaari kang bumoto hanggang 15 beses kada araw, 24/7.
3. Messenger Voting (Libreng Boto!)
Gusto mo bang bumoto nang libre?
Messenger ang sagot!
* Pumunta sa Messenger: Bisitahin ang Vibe PH Facebook page at i-click ang "Send Message" o direktang pumunta sa vibeph.tv/fb.
* Simulan ang Pagboto: I-type ang "Main menu" at sundin ang instructions.
* Boto: Tulad ng sa SMS, kailangan mong i-type ang tamang format ng boto.
* Paalala: Isang (1) boto lang ang puwedeng i-cast kada araw, per Messenger account. Bukas ang botohan tuwing Biyernes, 12:00 PM at nagsasara sa susunod na Biyernes, 11:59 AM.
Kaya ano pa ang hinihintay mo? I-push na ang iyong favorite OPM/PPOP artist at let your voice be heard! Ang Vibe ay hindi lang isang music countdown, isa itong fan movement. Vote your Vibe. Be the Vibe.
Ang Premiere Telecast ng VIBE ay sa August 9, 2025, Sabado dito lang sa TV5 at lahat ng MQuest Platforms.
No comments:
Post a Comment