Magsisimula nang maramdaman ang matinding enerhiya at hype sa paligid ng Smart Araneta Coliseum ngayong araw, Biyernes, Agosto 15, dahil gaganapin na mamayang 8pm ang inaabangang "Vivarkada: The Ultimate Fancon and Grand Concert."
Sa patuloy na pag-ani ng tagumpay ng iba't ibang Viva One series, hindi nakakagulat na sold-out ang mga tiket para sa event na ito, patunay na handang-handa na ang mga fans na salubungin ang kanilang mga idolo.
Base sa mga promotional poster at anunsyo, isang star-studded na gabi ang magaganap, na kung saan si Paul Basinillo ang Director.
Ilan sa mga aabangan ay ang mga sikat na loveteams at cast ng mga hit series tulad ng "The Rain in EspaƱa," "Bad Genius: The Series," "Seducing Drake Palma," at "Ang Mutya ng Section E." Ang event na ito ay isang malaking selebrasyon ng paglago ng Viva One, na ngayo'y mayroong mahigit 3 milyong subscribers sa iba't ibang bansa.
Makikita sa paligid ng venue ang iba't ibang banners at posters ng mga sikat na artists, tulad nina Ash at Dres, na lalo pang nagpapataas ng excitement. Sila, kasama ang iba pang Viva artists, ay inaasahang maghahatid ng mga live performances, kilig moments, at fan interactions na tiyak na mag-iiwan ng di malilimutang alaala sa mga dadalo.
Ang Vivarkada ay hindi lang basta isang concert; isa itong love letter ng Viva sa kanilang loyal fandom. Mula sa mga matitinding stage production hanggang sa mga exclusive surprises na inihanda, layunin ng event na ito na maging isang ultimate barkada party para sa lahat.
Kaya naman, sa mga masuwerte at nakabili ng tiket, maghanda na sa isang gabi ng pagdiriwang ng talento, musika, at ang walang katumbas na suporta ng mga fans. Para sa mga hindi makakapunta, abangan ang mga updates at highlights mula sa social media, dahil paniguradong mag-iingay ang The Big Dome ngayong gabi!
No comments:
Post a Comment