It's official! Isang malaking at napakahalagang step sa kanyang karera sa showbiz ang tatahakin ni Queen Amber Torres, mula noong una natin syang nakilala bilang grand winner ng "Barangay Cinema: Child Star of the Year" noong 2024.
Updated photo ng mga Dabarkads na bubuo ng EB Lenten Specials 2025 kasama na si Queen Amber sa Group C.
Photo courtesy: TVJ
Matapos ang kanyang pagkakapanalo sa nasabing contest, naging bahagi siya ng "Eat Bulaga!" bilang pinakabagong child wonder, kung saan madalas siyang mapanood sa mga musical at dance presentations ng programa pati na rin ang galing sa pagtula.
Ngayong Abril, opisyal na ngang inannounce ng "Eat Bulaga!" ang kanilang tradisyunal na Lenten Specials, isang serye ng mga drama episodes na ipapalabas mula Holy Monday hanggang Holy Wednesday. Ang pagbabalik na ito ay kumpirmado ni Vic Sotto noong March 22, 2024, kung saan pinakita rin sa isang video ang tatlong grupo ng mga Dabarkads na bubuo sa bawat episode.
Bagamat hindi pa inilalabas ang kompletong detalye ng mga episode para sa 2025, inaasahang magiging bahagi si Queen Amber Torres sa isa sa mga ito, na magsisilbing kanyang kauna-unahang full acting stint sa telebisyon. Ito ay isang malaking opportunity para kay baby Amber na maipakita ang kanyang talent sa pag-arte.
Sa episode kanina sa kalagitnaan ng Sugod Bahay segment, napansin din ng mga Dabarkads na may kulang nga sa line-up dahil wala si Amber sa listahan. Kaya isang nakakatuwang "Live Audition" ang ginawa nila Allan K at Bossing para kay Amber at agad naman itong pumasa kaya agad agad ay lumitaw ang kanyang picture confirming na kasama sya sa Group C kung saan kabilang sina Bossing at Mam Allan.
Sa kanyang murang edad, pinatunayan na ni Queen Amber ang kanyang kakayahan sa entablado. Noong December 13, 2024, kinagiliwan siya ng mga manonood sa kanyang pagganap bilang 'Ninang' sa special Christmas segment ng "Eat Bulaga!", kung saan ipinamalas niya ang kanyang galing sa pagkanta at pagsayaw.
Ang kanyang nalalapit na pagganap sa Lenten Specials ay tiyak na inaanticipate ng marami, lalo na ng kanyang mga fans na sumusuporta sa kanya mula pa noong simula na tinatawag na "Ambernation" at "Queen Nation". Ito rin ay patunay ng patuloy na pagtitiwala ng "Eat Bulaga!" sa kakayahan ng mga talented na batang katulad ni Amber na magbigay-inspirasyon at aliw sa kanilang mga manonood.
Congrats and Good luck our Queen Amber! Deserve mo talaga to baby! 🍼
No comments:
Post a Comment