Sa kauna unahang pagkakataon sa loob ng 46 Taon sa Telebisyon, dadalhin naman ng Longest Running Noontime Show Eat Bulaga! ang popular na Sugod Bahay segment sa iba't ibang eskwelahan at unibersidad sa bansa thru "SUGOD CAMPUS mga Kapatid!"
Ito ay para naman ilapit ang programa sa mga mas batang audiences na karamihan ay Millennials at Gen Zs.
Ang special edition na ito ng popular na segment ng Eat Bulaga! ay bibisita naman ang programa sa iba't ibang paaralan at unibersidad sa buong Pilipinas upang maghatid ng kasiyahan, papremyo, at sorpresa sa mga estudyante. Inanunsyo ito noong Enero 25, 2025, bilang isang makasaysayang unang hakbang sa 46 na taong kasaysayan ng Eat Bulaga! Ang tour na ito ay nakatakdang magsimula sa Pebrero 8, 2025.
Matatandaang ang mga segment ng EB noon na U-Bet, U-Bet Bagets, Pinoy Henyo High, Gimme 5 Laro ng Tropang Henyo at ang phenomenal na Kalyeserye ang nagkonekta sa mga kabataan sa programa at lahat naman ito naging successful.
Abangan ang pagsugod ng Eat Bulaga Dabarkads sa inyong pinakamalapit na campus!
No comments:
Post a Comment