Noong February 8, 2025 araw ng Sabado, ginanap ng Eat Bulaga ang kanilang unang "Sugod Campus" sa Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa San Pablo City. Ang "Sugod Campus" ay isang bagong segment ng programa na naglalayong dalhin ang kasiyahan at mga papremyo ng "Sugod Bahay" sa mga unibersidad sa buong bansa.
Muling pinatunayan ng Eat Bulaga na sila pa rin ang paboritong programa sa tanghalian -- kahit ng mga estudyante na karamihan ngayon ay puro Gen Z na. Sa naturang TV special, present ang buong dabarkads at syempre ang TVJ. Kanya kanya sila ng gimik at pasabog na special number at syempre hindi mawawala ang trio ng sugod bahay na sina Jose Manalo at Wally Bayola. Si Paolo Ballesteros na nag-umpisa sa E-B sa pamamagitan ng isang remote segment na pang-campus din ay muling nagbalik kung saan nagsimula ang kanyang hosting career.
Sa naturang pang sabadong episode, masayang naglaro ang mga makapangyarihang estudyante ng LSPU ng Peraphy kung saan isang Justice Education student at pares na estdyante ng CSA ang nanalo ng tig- P50,000 naman sas Gimme 5.
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga studyante sa supresang performances ilan sa mga bago at sikat nang P-Pop groups kagaya ng New: ID, GAT at global pop group na Hori7on.
Lubos ang kasiyahan ng mga estudyante at guro ng LSPU sa pagbisita ng Eat Bulaga, na nagdulot ng kakaibang sigla at saya sa kanilang campus. Ang matagumpay na pagsisimula ng "Sugod Campus" sa L-S-P-U ay umpisa pa lang sa mas marami pang magaganap na pagsugod sa mga paaralan sa mga susunod na araw.
Sino ngayon ang makakapagsabing pang Gen X at Baby Boomers lang ang Eat Bulaga kung evident namang dinagsa ng mga estudyante ang naturang programa noong Sabado? Siguradong mapapahiya nanaman ang mga nagsasabing laos na ang E-B.
Pero eto patuloy silang dinadagsa ng mga Pilipino of all ages and generations. Patunay lang na walang kupas ang Eat Bulaga mapa bata man o matanda o studyante.
Saan ang susunod na eskwelahang susugurin ng Eat Bulaga? Abangan sa mga susunod na araw.
No comments:
Post a Comment