Kamakailan, si Maris Racal ay naging trending nanaman sa social media, hindi dahil sa anumang kontrobersya kundi dahil sa pagtangka umanong i-promote ang kanyang programa sa ABS-CBN. Si Maris, na isa sa mga bida ng seryeng "Incognito," ay nag-guest sa "It's Showtime." Habang siya ay naroroon, may nakalagay na paalala sa harap ng stage na nagsasabing, "NO MENTION OF INCOGNITO. Thank you."
Ang "Incognito" ay isang action series na ipinalabas sa TV5, kaya't hindi ito kabilang sa mga palabas ng ABS-CBN na ipinapalabas sa GMA Network. Dahil dito, ipinagbabawal ang mga artista ng ABS-CBN na i-promote ang mga palabas ng ibang network sa "It's Showtime." Ang patakarang ito ay bahagi ng kasunduan sa pagitan ng ABS-CBN at GMA Network, na naglalayong maiwasan ang promosyon ng mga programa ng ibang network sa kanilang mga show.
Dahil sa patakarang ito, hindi pinapayagan si Maris Racal na banggitin ang "Incognito" sa kanyang guesting sa "It's Showtime." Bagamat may mga netizen na nagtataka at nag-uusisa tungkol sa patakarang ito, ito ay bahagi ng kasunduan sa pagitan ng dalawang network.
Matatandaang may kasalukuyang umiiral na patakaran ang GMA Network na nagbabawal sa It's Showtime na i-promote ang mga palabas ng ABS-CBN dahil sa kasunduan nito sa Kapuso network noong Abril 2024, ang It's Showtime ay patuloy na ipapalabas sa GMA Network, ngunit may mga limitasyon sa promosyon ng mga programa ng ABS-CBN sa naturang show.
Naging advantage din ito sa Eat Bulaga, dahil ang mga Kapamilya artists, tulad nila Belle Mariano, Andrea Brillantes, Jane Onieza, Piolo Pascual, at Kyle Echarri at marami pang iba, ay nag-guest din sa E-B para makapag-promote lamang ng kanilang mga programa lalo na kung ito ay sa TV5 pinapalabas.
Sa kabila ng patakarang ito, ipinahayag ng ABS-CBN ang kanilang pasasalamat sa GMA Network sa patuloy na pagsuporta sa "It's Showtime."
Sa kabila ng mga limitasyong ito, patuloy ang "It's Showtime" sa pag-aalok ng iba't ibang segment at palabas na nagpapasaya sa kanilang mga manonood.
Kasalukuyang na-eenjoy ng It's Showtime ang mataas na rating nito habang nasa GMA 7 na hindi bumababa ng 6% dulot ng napakalaking reach at market share ng Kapuso Network na umaabot sa 93% kumpara sa TV5 kung saan naman kasalukuyang umeere ang Eat Bulaga na may market share lang na 6%.
No comments:
Post a Comment