Ibinasura ng Pasay Metropolitan Trial Court ang kasong "acts of lasciviousness" na isinampa ng aktor na si Sandro Muhlach laban sa mga independent contractors ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Sa desisyon ng Branch 46 ng korte, pinaboran nito ang mosyon nina Nones at Cruz na ibasura ang dalawang bilang ng nasabing kaso. Ayon sa korte, ang mga alegasyon ng "acts of lasciviousness" ay bahagi na ng kasong rape na isinampa ng Department of Justice sa Pasay Regional Trial Court. Tinukoy ng korte na ang paghahain ng magkahiwalay na kaso para sa acts of lasciviousness ay labis o overkill dahil ang mga ito ay saklaw na ng kasong rape.
Matatandaang noong Agosto ng nakaraang taon, nagsampa si Muhlach ng mga reklamong rape through sexual assault at acts of lasciviousness laban kina Nones at Cruz, na umano'y nang-abuso sa kanya matapos ang GMA Gala noong Hulyo 2024.
Sa kabila ng pagkakabasura ng kasong acts of lasciviousness, patuloy pa rin ang pag-usad ng kasong rape laban sa dalawang akusado sa Pasay Regional Trial Court.
No comments:
Post a Comment