WALA NANG KASALANG MAGAGANAP
Ito ang tugon ni DJ Jellie Aw sa hiling ng kanyang nobyong si Jam Ignacio ituloy pa rin ang kasal sa kabila ng insidenteng pan*n*kit na kinasangkutan niya. Humingi din ng paumanhin si Ignacio sa publiko at sa pamilya ni Aw.
Sa isang panayam, sinabi niyang, "Hon, alam mo kung gaano kita kamahal... Pasensiya na talaga, sorry, sorry sa lahat."
Sa kabila ng paghingi ng tawad ni Ignacio, nanindigan si Jellie na itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya. Ayon kay Jellie, "Noong una pa lang naman po, napatawad ko na si Jam, pero tutuloy ko pa rin po yung kaso."
Nagsampa siya ng pormal na reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Pebrero 14, 2025.
Tama ang desisyon mo Ms. Jellie. Kahit ano pang anggulong tignan, mali pa rin ang man*k*t ng babae. Wag mo nang balikan pa ang lalaking yan kung ayaw mong maging isang kwento na lang.
No comments:
Post a Comment