Bumida sa pinakabagong pictorial ng Esquire Philippines ang mga bida ng MMFF Epic Film na "The Kingdom" na sina Bossing Vic Sotto at Papa P Mr. Piolo Pascual.
Ang espesyal na feature na ito ay nagbigay-pugay sa kanilang kontribusyon sa entertainment industry at ipinakita ang kanilang timeless charm at modern sophistication.
Credits: Esquire
Hindi maitago ng Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual ang kanyang excitement at pagkakilig nang makatrabaho ang legendary comedian at TV host na si Vic Sotto, na mas kilala bilang "Bossing." Sa isang panayam, ibinahagi ni Piolo kung gaano siya humanga kay Bossing Vic bilang isang haligi ng industriya ng showbiz.
Credits: Esquire
“Ako pa ang kinikilig! Iba ‘yung aura niya, talagang nakakabilib,” ani ni Piolo. Dagdag pa niya, matagal na niyang pangarap na makasama si Vic sa isang proyekto, kaya isang malaking karangalan ang pagkakataon na magkasama sila sa screen.
Credits: Esquire
Ang kanilang pagsasama ay parte ng isang upcoming movie project na pinaghahandaan nila. Ayon kay Piolo, hindi lamang si Vic isang mahusay na komedyante, kundi isa ring napaka-professional at magaan katrabaho. “Napakadaling mag-adjust kasi sobrang chill lang niya pero sobrang sharp din ng timing niya sa comedy,” dagdag pa ni Piolo.
Credits: Esquire
Samantala, nagbigay naman ng papuri si Bossing kay Piolo, na tinawag niyang "grabe kung magbigay ng effort at professionalism." Tila ang kanilang collaboration ay hindi lamang isang malaking treat sa mga fans, kundi isang pagsasama rin ng dalawang magkaibang henerasyon ng showbiz royalty.
Ang "The Kingdom" ay mapapanood na sa mga sinehan ngayong darating na kapaskuhan, December 25, 2024 at official entry sa 50th Metro Manila Film Festival.
No comments:
Post a Comment