Ang nasabing event ay dinaluhan ng ilan sa mga pinakamalalaking pangalan mula sa Kapatid Network, kabilang na ang mga sikat na singers, dancers, at TV personalities. Nag-alay sila ng kani-kanilang talento sa entablado, mula sa mga nakakaantig na awitin, nakakabilib na dance performances, at nakakatuwang segment na lalong nagpasigla sa gabi.
Kabilang sa mga present sa naturang big event, syempre ang TVJ at Legit Dabarkads ng Eat Bulaga!, Singing Queens, Willie Revillame, Wil To Win Go Girls, Himala ni NiƱo Kids, Ana Ramsey, Carmela Lozano, Aga and Charlene Muhlach, Inday Fatima, Heaven Peralejo, Dulce, Bituin Escalante, South Border, Arthur Nery, at marami pang Iba.
Naki-join din sa saya ang ilang mga kilalang personalities mula sa ating content partner ABS-CBN Studios na sina Sarah Geronimo, Piolo Pascual na may pelikula kasama si Bossing Vic Sotto, Bamboo, Apl De Ap, Korina Sanchez-Roxas na may programa din sa TV5 na Face To Face Harapan, at syempe si Majesty Maja Salvador.
Present din sa naturang event ang mga kilalang sports personalities na sina Carlos Yulo, Nesty Petecio, buong pwersa ng News5 kagaya nila Sen. Raffy Tulfo, Cheryl Cosim, Julius Babao, Lourd De Veyra at MJ Marfori, at marami pang iba.
Bukod sa kasiyahan, ang layunin ng concert ang makapagbigay ng suporta sa mga nangangailangan. Ang mga nalikom mula sa event ay ilalaan sa iba't ibang charitable programs na tumutulong sa mga pamilya at komunidad na nangangailangan ng tulong sa panahon ng Pasko.
Naging matagumpay ang gabi dahil sa mainit na suporta ng mga fans at iba pang manonood, na hindi lamang nag-enjoy sa natatanging performances kundi nagkaroon din ng pagkakataong tumulong. Ang konsyerto ay patunay na ang diwa ng bayanihan at pagmamahalan ay buhay na buhay sa puso ng mga Pilipino, lalo na ngayong kapaskuhan.
Mapapanood ang Merry Ang Vibes ng Pasko: The 2-Part TV Special sa darating na December 15 at 22, Linggo ganap na 5:30 pm sa TV5 at TV5 HD (sa Channel 15). Simulcast din sa One PH, Buko Channel Channel 2 at Sari Sari Channel 3 sa Cignal.
Meron din itong Catch-up ganap na 10 PM sa RPTV Channel 9 at Channel 10 naman sa Cignal HD. Para sa Team Online, mapapanood din ito via Livestreaming sa Cignal Play.
No comments:
Post a Comment