Tila maghihintay pa tayo bago natin masaksihan ang paglipat ng buong bansa galing sa Analog to Digital.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Alvin Blanco, kasulukuyang binabalangkas ng ahensya ang ilalabas na memorandum circular (MC) ukol sa tuluyang pagpapahinto ng Analog TV Transmission sa buong bansa at paglipat ng mga network sa Digital.
“We are now finalizing the draft memorandum circular for the DTT ASO (analog shutoff) for Mega Manila, and then we will schedule a public hearing for the said MC,” ayon sa text message na pinadala ni Blanco sa pahayagang Malaya.
Dagdag pa ni Blanco, imbes na umpisahang isagawa ngayong December 31, 2024 ang naturang phase out, kinailangan pa rin nila itong ipagpaliban sa 2025 dahil sa kakulangan sa paghahanda. Ang DTT penetration in Mega Manila ay nasa 84% malayong malayo pa sa required threshold na 95% DTT penetration rate para tuluyan nang magmigrate ang bansa from Analog to Digital TV.
#DigitalTV5 #LMTV
No comments:
Post a Comment