Star-studded ang Red Carpet premiere ng ilan sa mga pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival ngayong gabi. Ilan sa mga pelikulang nagdaos ng red carpet premiere ay ang The Kingdom, The Breadwinner is..., My Future You, Hold Me Close, Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital at Isang Himala.
Full Force and buong cast ng The Kingdom sa Red Carpet Premiere.
Ito ay ginanap sa iba't ibang sinehan sa mga sikat na malls tulad ng Gateway Cineplex, SM Megamall, at SM North Edsa, kung saan nagtipon-tipon ang pinakamalalaking pangalan sa industriya ng pelikula, kasama ang mga direktor, producer, mga bituin na nagbigay ningning sa gabi pati na rin mga Pinoy moviegoers at mga fans.
Naging highlight ng kaganapan ang pagparada ng mga artista sa red carpet na binida ang kanilang eleganteng outfits. Mula sa klasikong istilo hanggang sa makabagong design, bawat hitsura ay nagsilbing simbolo ng pagiging maalab at makulay ng kulturang Pilipino. Pinagkaguluhan din sila ng mga fans na naghintay upang makita ang kanilang mga iniidolo.
Pinaka inabangan ko syempre ang The Kingdom kung saan kumpleto ang cast, sina Bossing Vic Sotto at Papa P Piolo Pascual at mga Dabarkads at sa kauna unahang pagkakaton ay manonood sa premiere night si TV5 Chairman Mr. Manny V. Pangilinan ng isang 'Bossing' film at damang dama ko ang 110% na suporta nya sa 'The Kingdom'
Kagaya ng inaasahan, dinagsa ang pila ng The Kingdom at sa unang araw ng ticket pre-sales ay tumabo na agad sa almost 1 Million pesos ang nabentang ticket para sa pelikula, pangalawa sa 'The Breadwinner is..." na tumabo naman ngayon ng mahigit 2.4 Million pesos. Ito ay ayon sa data na inilabas ng Lionheart TV. Maaari pa itong magbago habang nalalapit na ang Showing Day ng bawat pelikula sa araw ng Kapaskuhan, December 25, 2024.
Huwag palampasin ang pagkakataong suportahan ang mga pelikulang Pilipino ngayong Pasko. Manood at maging bahagi ng kasaysayan ng MMFF.
No comments:
Post a Comment