Spotted ang Kapuso heartthrob at Pambansang Bae na si Alden Richards sa intimate at espesyal na kasalan ng komedyante at Eat Bulaga! host na si Jose Manalo. Dumalo si Alden bilang suporta sa kanyang matagal nang kaibigan at kasama sa industriya.
Sa ilang mga litrato at videos na kumalat online, makikitang eleganteng-elegante si Alden sa kanyang formal attire habang abala sa pakikipagkulitan at pagbibigay-pugay sa bagong kasal. Ang pagdalo ni Alden ay patunay ng kanilang matibay na pagkakaibigan sa loob at labas ng kamera.
Nagbigay rin ng mensahe si Alden para kay Jose, "Masayang-masaya ako para kay Kuya Jose. Isa siyang inspirasyon, at deserve niya ang lahat ng kaligayahan sa buhay na ito."
Maraming netizens ang natuwa sa presensya ni Alden at iba pang celebrity friends na nakiisa sa espesyal na araw ni Jose Manalo.
Nagumpisa si Alden maging host ng Eat Bulaga noong 2015 at itinuturing ni Alden ang programa bilang kanyang pangalawang pamilya dahil bukod sa malaki ang naitulong nito sa kanyang career lalo na noong kasikatan ng 'Kalyeserye' kasama si Maine Mendoza (Aldub), kakaibang ring saya ang kanyang nararamdaman kapag kasamang kabonding nya sa mga Dabarkads lalo na ang TVJ at Jowapao.
No comments:
Post a Comment