Mainit na sinalubong ng mga taga-Antipolo ang mga magaganda at talented na Singing Queens ng Eat Bulaga! sa isang succesful at energetic live performance sa Ynares Center grounds, Antipolo City sa kasagsagan ng ika-27 Cityhood Anniversary ng Lungsod.
Sa gabing ito, solve na solve ang paghihintay ng ating mga Ka-Dabarkads na Antipolenyo sa mga reyna ng biritan at Peraphy tuwing tanghalian.
Singing Queens: Sam Rascal, Jean Drilon, Anne Ferrer, Khayzy Bueno at Eunice Janine
Silang lahat ay walang tulak kabigin at nagpakitang gilas sa kani-kanilang mga performances na nagpainit sa buong crowd ng Antipolo. Mula sa mga birit hits hanggang sa hugot songs hanggang sa kanilang signature moves, walang patid ang sigawan at palakpakan ng mga Dabarkads nating Antipolenyo! Congratulations our noontime majesties! All hail to the Queens!
Isang Pagbabalik-Tanaw: Paano Naging Lungsod ang Antipolo?
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, ginaganap pa rin ang concert sa Ynares Center grounds, Antipolo, at hindi rin natin malilimutan ang makasaysayang papel na ginampanan ng lungsod sa kasaysayan ng Rizal. Noong Hulyo 4, 1998, opisyal na naging lungsod ang Antipolo sa bisa ng Republic Act No. 8508.
Isa sa mga naging mahalagang tagapagtaguyod ng cityhood ng Antipolo ay si dating Senador Tito Sotto, na noon ay kasalukuyang miyembro ng Senado. Isa siya sa mga nagsulong ng panukalang batas upang kilalanin ang Antipolo bilang isang ganap na lungsod. Ang batas ay niratipika sa pamamagitan ng plebisito kung saan pinili ng mga mamamayan ng Antipolo na itaas ang antas ng kanilang bayan tungo sa pagiging lungsod.
Ang cityhood ng Antipolo ay nagbukas ng mas maraming oportunidad sa ekonomiya, imprastraktura, at turismo—at isa na rito ang Ynares Center, na naging sentro ng iba’t ibang malalaking kaganapan gaya ng PBA at MPBL Games, ilang mga concerts, events, TV Specials at marami pang iba!
Sa patuloy na pagsuporta ng mga lider at mamamayan, nananatiling buhay at makulay ang sining, kultura, at musika sa puso ng Lungsod ng Antipolo.
No comments:
Post a Comment