Ipinahayag ni dating Senate President Tito Sotto ang kanyang matinding hangarin na tapusin ang paglaganap ng fake news sa bansa sakaling muling makabalik sa Senado.
Ayon kay Sotto, isa sa mga magiging pangunahing adbokasiya niya ay ang paglaban sa maling impormasyon na aniya’y patuloy na sumisira sa reputasyon ng mga indibidwal at institusyon, at nakakaapekto sa tamang pagbibigay ng impormasyon sa publiko.
“Dapat nating panagutin ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan online. Kailangang maipasa ang mga batas na may ngipin laban sa fake news,” saad ni Sotto sa isang panayam.
Hindi rin niya itinanggi ang posibilidad ng pagtakbo muli sa Senado sa susunod na halalan, dala ang paninindigang linisin ang digital space at protektahan ang katotohanan.
Kilala si Tito Sotto bilang isa sa mga matagal nang mambabatas na may matibay na posisyon sa mga isyu ng media regulation at public accountability.
No comments:
Post a Comment