Matapos ang ilang taon ng paghihintay, muling nagsama-sama ang iconic na OPM bandang Eraserheads para sa isang espesyal na reunion concert na nagpasaya at nagbigay ng nostalgia sa libo-libong tagahanga.
Pero pagkatapos ng concert, hindi lang nostalgia ang pinag-usapan online. Bumalik na naman ang matagal nang usapan tungkol sa tunay na ibig sabihin ng “Spolarium”. Marami ang naniniwala noon na ang kanta raw ay patama sa sikat na trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ), kaugnay sa isang kontrobersyal na isyu noon sa showbiz.
🧍♂️ Ely Buendia Speaks: “Walang kinalaman ang TVJ sa kanta”
Nilinaw na mismo ng frontman ng banda na si Ely Buendia na walang basehan ang mga haka-haka. Sa panayam matapos ang concert, sinabi niyang ang “Spolarium” ay hindi tungkol sa TVJ, o kahit anong personalidad sa telebisyon at lalong lalong ibang "Enteng" at "Joey" ang tinutukoy sa kanta.
"It is not about TVJ. It's not about Vic Sotto and the r*pe, although it is a sad thing. I was really heartbroken when that thing came out because I was such a huge fan, they were my heroes, and I wouldn't dream of writing a song to tarnish my heroes, so I think that's the most ridiculous (rumor). And I will maintain until today that it's not about them, it's not about Pepsi," paglilinaw ni Ely.
Ayon sa kanya, ang kanta ay inspired sa painting na “Spoliarium” ni Juan Luna, na nagpapakita ng mga bangkay ng gladiators — isang simbolo ng pagkatalo, kalungkutan, at pagiging talunan sa lipunan.
🎶 Metaphor, Hindi TsismisMarami sa mga kanta ng Eraserheads ang open to interpretation, pero may hangganan din daw ang sobrang paglalagay ng malisya sa mga lyrics. Para kay Ely, mas magandang pakinggan at namnamin ang kanta bilang isang emotional piece kaysa gawing source ng intriga.
🎤 Eraserheads: Higit pa sa Isang Banda
Ang Eraserheads ay hindi lang banda — sila ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Ang pagbabalik nila ay paalala na ang kanilang musika ay relevant pa rin hanggang ngayon, at patuloy na nagbibigay ng tanong, sagot, at emosyon sa mga tagapakinig.
Eraserheads, Gagawa Raw ng Bagong Kanta ngayong Taon? Fans, Excited na!
Matapos ang matagumpay na reunion concert ng Eraserheads, tila may mas malaking sorpresa pa raw silang inihahanda para sa kanilang fans. Usap-usapan ngayon online na maaaring gumawa ulit ng bagong kanta ang banda ngayong 2025 — bagay na ikinatuwa ng buong OPM community.
🎸 Balik Tono: Bagong Kanta After So Many Years?
Ayon sa ilang industry insiders at social media hints, nagkaroon daw ng creative talks ang mga miyembro ng banda kamakailan. May mga fans na nakapansin sa isang IG story ni Ely Buendia na tila nasa isang recording studio ito, kalakip ang caption na: "Feels like 1995 again."
Wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa management, pero ayon sa isang source, “open” na raw muli ang grupo sa posibilidad ng bagong tunog.
🤔 Why Now?
Matagal nang hinihintay ng fans ang bagong obra ng Eheads. Huling beses silang gumawa ng bagong track ay noon pang early 2000s. Ngayong mas mature na sila bilang musicians at bilang tao, curious ang marami kung anong klaseng tunog ang ihahain nila sa bagong panahon ng OPM.
“Sobrang excited kami kung totoo man ‘to,” ayon sa isang netizen. “Panahon na para makarinig ng Eraserheads song na may hugot ng 2025!”
No comments:
Post a Comment