Nakatakdang ipalabas ang isang pelikula sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival at ngayon ay malapit na rin ipalabas sa ibang bansa. Matapos nga itong maging certified box-office hit at humakot ng parangal dito sa Pilipinas, ay nakatakda na nga itong mapanood ng ating mga kababayan sa abroad.
Ang pelikulang tinutukoy ko ay ang 'The Kingdom' na pinagbibidahan ni Vic Sotto at Piolo Pascual. Nakatakda na nga itong ipalabas sa darating na January 16, 2025. Kabilang sa mga bansang unang ipapalabas ang pelikula ay United Arab Emirates, Bahrain, at Qatar.
Ang "The Kingdom" ay isang pelikulang Pilipino na ipinalabas noong Disyembre 25, 2024, bilang bahagi ng ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF). Sa direksyon ni Michael Tuviera, tampok dito sina Vic Sotto bilang Lakan Makisig Nandula at Piolo Pascual bilang Sulayman "Sulo" Tagum. Ang pelikula ay naglalarawan ng isang alternatibong kasaysayan kung saan ang Pilipinas, na tinatawag na Kaharian ng Kalayaan, ay hindi nasakop ng mga dayuhan at nanatiling isang monarkiya.
Sa direksyon ni Michael Tuviera, ang "The Kingdom" ay nagtatampok ng alternatibong kasaysayan ng Pilipinas bilang isang monarkiya. Bukod sa nakamamanghang produksiyon, layunin din nitong maghatid ng mga makabuluhang mensahe tungkol sa kalayaan, pagkakaisa, at hustisya.
Ang Middle East screening ay isang mahalagang hakbang para maipakilala ang sining at kuwento ng Pilipino sa global stage.
Kaya sa ating Team Abroad, abang abang na dahil paparating na ang kaharian ng Kalayaan sa inyong mga lugar.
No comments:
Post a Comment