Pormal nang naghain si Bossing Vic Sotto ng 19 na kaso ng cyber libel laban sa iskandalosang direktor na si Darryl Yap kaugnay ng pelikulang naglalahad ng buhay at kontrobersya ng pumanaw na 80s actress na si Pepsi Paloma. Ang reklamo ay isinampa sa Muntinlupa City Prosecutor's Office, kasama ang kahilingan para sa danyos na hindi bababa sa ₱35 milyon.
Ang kaso ay nag-ugat sa pagbanggit ng pangalan ni Sotto sa trailer ng pelikula, partikular sa eksenang tinatanong si Paloma kung siya'y ginahasa ni Vic, na sinagot ng oo ng aktres.
Ayon kay Attorney Buko Dela Cruz, abogado ni Sotto, hindi maaaring gamitin ang 'creative license' bilang depensa sa libelo.
Ang insidenteng ito ay nagdulot ng matinding emosyonal na epekto kay Bossing at sa kanyang pamilya, lalo na't muling nabuhay ang mga kontrobersiyang may kinalaman sa kanila. Sa isang panayam, inamin ni Sotto na hindi na siya nagulat sa mga pangyayari, ngunit pinili niyang magsampa ng kaso upang ipagtanggol ang kanyang pangalan at integridad.
Dinepensahan naman nito ni Direk Darryl Yap ay sinabi dinedepensahan daw umano nya ang katotohanan. Hindi daw nangangamba si Yap sa mga kasong kriminal at sibil na isinampa ni Sotto, at tahasang idineklara na ang kanyang depensa ay katotohanan.
Sa isang matapang na Facebook post, sinabi ni Yap:
“Kalayaan ng kahit sino ang magsampa ng reklamo. Walang may monopolyo sa katarungan, lalo na sa katotohanan.”
Dagdag pa niya, naniniwala siyang ang kanyang proyekto ay hindi paninira kundi isang pagtatangka upang bigyang-linaw ang kwento ni Pepsi Paloma at ang kontrobersiyang bumalot sa kanyang pangalan noong 1980s.
Hindi rin nagpakita ng kaba ang direktor sa harap ng mga kaso, at tila handa siyang ipaglaban ang kanyang sining. “Ang pelikula ay paraan ng pagpapahayag. Walang sinuman ang makakabawi ng katotohanan, gaano man nila gustong pigilan ito,” ani Yap.
Agad naman itong sinagot ng premyadong abogadong si Attorney Buko Dela Cruz at sinabing karapatan din naman ng lahat na makapagpahayag ng kanilang nararamdaman ngunit hindi ang pagcommit ng libel. Solidong sinabi ni Attorney Buko na ito ay isang criminal offense at maaaring makulong ang sinumang lalabag sa batas.
Mariin ding tinanggi ng abogado ni Vic Sotto na si Atty. Buko dela Cruz ng DivinaLaw ang mga paratang laban sa kanyang kliyente.
Ayon sa kanya ay gawa-gawa lamang ang istorya laban sa kanyang kliyente.
Matatandaan na noong dekada 80 ay inakusahan si Vic, kasama na si Joey de Leon at Richie D'Horsie ng aktres na si Pepsi Paloma ng pangyuyurak sa kanyang pagkababae.
Sa huli ay umatras din naman sa pagsasampa ng kaso si Pepsi laban sa tatlong komedyante at sinabing ito ay public stunt lamang ng kanyang talent manager na si Rey Dela Cruz.
Ang kasong ito ay hindi napatunayan sa kahut saang korte dahil walang concrete na ebidensya.
MY OPINION:
Dito sa LMTV ay naglaunch kami ng isang campaign bilang pagsuporta sa ihahaing kaso ni Bossing laban sa iskandalosong direktor na kilala ding loyalista ng mga Duterte at nakilala sa kanyang mga kontrobersyal na content kagaya ng "Kape Ni Lenlen" series, "Maid in MalacaƱang" at "Martyr or Murd*r*r".
Dito sa LMTV ay naglaunch kami ng isang campaign bilang pagsuporta sa ihahaing kaso ni Bossing laban sa iskandalosong direktor na kilala ding loyalista ng mga Duterte at nakilala sa kanyang mga kontrobersyal na content kagaya ng "Kape Ni Lenlen" series, "Maid in MalacaƱang" at "Martyr or Murd*r*r".
Kung talagang sinasabi ni Darryl Yap hindi nya dinidiin si Bossing sa nangyari kay Paloma, bakit ito ang lumabas sa teaser ng pelikula at kung hindi man nya binaggit sa kanyang bibig si Bossing ay ito naman ang kanyang ipinararating sa teaser ng kanyang pelikula. Hindi pa ba libel yun?
Malinaw malinaw na paninira ang ginagawa ni Darryl Yap, may not directly pero indirectly na sinisira nya hindi lang ang pangalan at reputasyon ni Bossing na inalagaan nya for 4 decades kundi pati ang kanyang buong pamilya ay nadadamay lalong lalo na't maliliit pa sina Tali at Mochi. Naaawa ako sa mga bata ay nabubully sila sa school at napagbabantaan dahil sa kagagawan ng pasaway na putok sa buhong direktor na ito.
Sigurado kulang pa ang kikitain mo bulok mong pelikula pambayad sa 35M na ikakaso sayo.
No comments:
Post a Comment