Eat Bulaga, Nanguna sa Online Viewership Kontra It's Showtime noong December 11, 2024
Habang patuloy na naeenjoy ng It's Showtime ang nakukuhang mataas na ratings nito dulot ng mataas na Analog reach ng GMA 7, malinaw na malinaw namang wagi ang Eat Bulaga! ngayong araw sa online viewership ngayong December 11, 2024, Tuesday. Base sa datos na naitala bandang 2:03 PM, pumalo ang kabuuang online views ng Eat Bulaga! sa 126,740, mas mataas kumpara sa 124,152 na views ng It's Showtime.
Ito ay dahil pa rin sa tuloy-tuloy na suporta mula sa kanilang mga loyal na manonood, kasama ang mas pinabonggang segments ng programa sa ilalim ng pamumuno ng TVJ (Tito, Vic, at Joey) sa TV5. Sa parehong araw, ang kanilang livestream ay may 92,626 viewers, mas mataas nang malaki sa ibang online platforms.
Dagdag pa rito ang overflowing support ng kanilang sponsors noong araw na yun. Hindi na bumababa sa 10 ang kanilang mga sponsors lalo na ngayong Christmas season kung saan todo bigay ang mga bilyonaryong kumpanyang mamigay ng pamasko sa ating mga Dabarkads.
Samantala, hindi rin nagpapahuli ang It's Showtime na umani ng 59,048 views sa Kapamilya Online Live at 47,353 sa Showtime Online U. Gayunpaman, sa kabuuan, nanatiling mas mataas ang engagement ng Eat Bulaga! sa digital platforms.
Tandaan ding hindi lahat ng mga Dabarkads natin ay nakatutok sa Telebisyon at mas marami na ngayon sa ting mga kababayan ang mas pinipiling manood na lamang sa kani kanilang mga cellphones, laptops, tablets at Smart TVs. DIGITAL at ONLINE na ang labanan ngayon.
Ang kumpetisyon sa pagitan ng dalawang noontime shows ay patuloy na nagdadala ng kasiyahan sa mga manonood, habang pareho nilang sinisikap magbigay ng kalidad na entertainment. Sa kabila ng kanilang rivalry, malinaw na parehong malaki ang kanilang impact sa industriya ng telebisyon at online streaming.
Kung magpapatuloy ang ganitong trend, magiging kawili-wili ang resulta ng laban ng dalawang higanteng programa sa mga susunod na linggo.
No comments:
Post a Comment