Mainit na tinanggap ng Dabarkads ang 'The Kingdom' star na si Piolo Pascual sa kanyang pagbisita sa Eat Bulaga! ngayong araw. Ang kanyang presensya ay nagdulot ng kasiyahan, kilig, at excitement sa studio audience at mga manonood sa bahay.
Ayon kay Papa P, ang pagkakataong makatrabaho si Bossing Vic Sotto ay isa sa mga highlights ng kanyang career. “Isa itong dream come true para sa akin. Sobrang saya ko na makasama si Bossing at ang buong Dabarkads,” ani Piolo sa panayam sa show. Ang kanyang paglabas ay hindi lamang nagbigay ng star power sa episode kundi naging isang memorable moment para sa lahat.
Ang naturang special segment ay pansamantalang ipinalit sa 'Bawal! Judgemental Ka Ba?' bilang pagbibigay daan para maging mas maging curious pa ang mga Dabarkads tungkol sa MMFF entry na 'The Kingdom'.
Sa kanyang guesting, ipinamalas ni Piolo ang kanyang husay at charm habang nakikibahagi sa mga nakakatuwang segments ng programa. Nakipagkulitan siya sa mga hosts at game na sagutin ang mga katanungan tungkol sa kanyang experience sa pagbuo ng pelikula pati na rin sa kanyang magiging role bilang ang tinatwang si 'Sulo' o Sulayman Tagum. Hindi rin napigilan ng audience ang magtanong pati na rin ang dalawa sa mga Singing Queens na sina Eunice Janine at Sam Rascal pati na rin si Allan K. nagcelebrate ng kanyang kaarawan ngayong araw.
Bossing: "Hindi lang syang isang magandang lalake, maganda rin ang kanyang kalooban, Inside and Out"
Agad namang naging trending ang kanyang appearance sa social media, kung saan ibinahagi ng fans ang kanilang excitement at paghanga.
Tunay ngang ang pagiging bahagi ng Eat Bulaga! at makatrabaho si Bossing Vic ay isa na namang milestone para kay Piolo Pascual, na patuloy na nag-iiwan ng marka sa industriya ng showbiz.
Abangan ang kanyang character sa The Kingdom bilang si Sulo sa araw ng kapaskuhan, December 25, 2024 sa lahat ng sinehan sa buong kamaynilaan.
No comments:
Post a Comment