Si Darryl Yap, ang kontrobersyal na direktor ng upcoming 2025 controversial biopic film na "The Rapists of Pepsi Paloma", ay nagpahayag kamakailan na wala umano siyang “masamang tinapay” sa mga haligi ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, o mas kilala bilang TVJ. Ang pahayag na ito ay lumabas matapos ang mga espekulasyon at usap-usapan hinggil sa diumano'y motibo ni Yap sa paggawa ng mapangahas na pelikulang layong ilahad ang buong kwento ng naging buhay ng pumanaw na sexy actress noong 80s na si Pepsi Paloma.
Ayon kay Yap, iginagalang niya ang mga beteranong komedyante at host na siyang naging pundasyon ng Eat Bulaga! sa loob ng maraming dekada. Idinagdag niya na ang kanyang gagawing pelikula, ay hindi nakatuon para siraan ang sinuman, lalo na ang mga haligi ng industriya gaya ng TVJ.
Bukod dito, inilahad din ni Yap na hinahangaan niya ang legacy na iniwan ng trio sa larangan ng showbiz, at sa kabila ng iba't ibang opinyon at interpretasyon ng publiko, wala siyang personal na sama ng loob laban sa kanila. Ang mga pahayag na ito ay naglalayong linawin ang anumang maling pag-unawa na maaaring lumabas.
Bagama't hindi direktang tinukoy ni Yap kung ano ang nag-udyok sa nasabing komento, malinaw na nais niyang ipahayag ang kanyang respeto at walang personal na galit laban sa TVJ.
Para sa kaalaman ng lahat, si Mr. Rey Dela Cruz na talent manager ng Softdrinks Beauties na kinabilangan ni Paloma, ang nagpasimuno ng umano'y gawa gawang rape scandal ng sexy actress at dinawit ang TVJ sa kasagsagan ng kanilang kasikatan bilang trio noong 80s kasama ang komedyanteng si Ritche D' Horsie sa kagustuhang mapasikat nito ang kanyang alaga ngunit napatunayang hindi ito totoo, ayon mismo kay Coca Nicolas sa interview ni Kapatid Newscaster Mr. Julius Babao.
Matagal nang sinabi ni Dating Senate President Tito Sotto na isa itong "Fake News" at hindi na dapat pang ungkatin pa. Kinasuhan din nya ng libel ang isang pahayagang nag-publish umano ng isang malisyosong article laban sa kanyang kapatid na si Vic Sotto at kaibigang si Joey De Leon na idinawit ng pahayagan sa sinapit umano ng late actress.
Si Paloma, na tubong Olongapo, ay nagkaroon noon ng matinding depression, kawalan ng proyekto, kasama na din ang hidwaan nila ng kanyang ina -- ito ang nagbulid sa kanya upang tapusin ang kanyang buhay noong May 31, 1985.
Kamakailan lang ay isa isa nang pinakilala ang cast na bubuo sa mapangahas na pelikulang ito.
Isa pang malaking tanong kung ang pelikulang ito na gagawin ng Direk Yap ay makakalusot sa MTRCB lalo na't ang namumuno dito ay anak ni Tito Sen na si Lala Sotto.
No comments:
Post a Comment