Ayon sa ulat ng PEP.ph, halos dalawang buwan pala ng talent fee ang hindi pa rin natutugunan ng TAPE Inc., ang dating production company ng nasabing show.
Nalungkot ang mga host matapos malaman na sa kabila ng reklamo ng GMA laban sa TAPE Inc., ay tila dedma pa rin ang mga namumuno ng nasabing production company tungkol ang kanilang mga hinaing. Ilan sa mga kilalang personalidad na apektado ay sina:
- Paolo Contis
- Glaiza de Castro
- Buboy Villar
- Chariz Solomon
- Betong Sumaya
- Kokoy de Santos
- Mavy at Cassy Legaspi
- Michael Sager
- Arra San Agustin
- Yasser Marta
- Alexa Miro
- Kimpoy Feliciano, at
- Mayor Isko Moreno
Karamihan sa kanila ay mga Sparkle artists ng GMA na kinuha ng mga Jalosjos bilang kapalit ng mga umalis na hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at mga Legit Dabarkads ng noo'y hawak pa nilang Eat Bulaga! Sina Yorme Isko at Contis lang ang binigyan ng TAPE ng mataas na bayad plus contract habang ginagawa nila noon ang programa.
Umaasa ang mga dating host na maibabalik sa kanila ang karampatang bayad para sa kanilang pinaghirapan. Bagama’t wala pang pormal na pahayag mula sa TAPE Inc. ukol dito, ay nananatiling mainit ang usapin sa social media at entertainment circles.
Sa ngayon wala pa rin umanong official na pahayag pamunuan ng TAPE tungkol dito pero patuloy ang panawagan ng mga host at ipinagdidiinan nilang ang tamang bayad ay hindi lamang usapin ng pera kundi ng respeto at pagkilala sa kanilang trabaho bilang entertainers.
Hindi pa malinaw kung kailan maisasaayos ang bayarin, ngunit umaasa ang publiko na mabibigyan ito ng solusyon sa lalong madaling panahon.
No comments:
Post a Comment