Isa sa mga pinakaaabangang segments ng Eat Bulaga!, ang Foreignoy, ay pansamantalang tinanggal sa programa matapos ang isang kontrobersyal na insidente kung saan isang contestant ang hindi sinasadyang magmura nang live sa ere.
Sa isang recent episode ng Eat Bulaga!, isang Foreignoy contestant ang nagbitaw ng hindi inaasahang pagmumura habang live na nagpe-perform. Bagamat halatang hindi niya sinasadya, mabilis itong napansin ng audience at netizens. Agad namang kumilos ang production team ng show, at sa sumunod na mga episodes, kapansin-pansing wala na ang Foreignoy segment.
Permanent o Temporary?
Ilang mga speculations ang umanoy lumalabas na ang pansamantala umanong pagkawala ng Foreignoy ay isang agarang desisyon upang maiwasan ang mas malaking kontrobersya. However, wala pang opisyal na pahayag mula sa Eat Bulaga! kung ito ay tuluyan nang tatanggalin o pansamantalang ipapahinga lamang. May ilang fans ang umaasa na ito'y babalik matapos ang ilang pagbabago sa format upang maiwasang maulit ang insidente.
Ayon naman sa mga ibang Dabarkads na nakaobserve ng episode, isa pang dahilan ay ang ginanap na Qualifying Round para sa isa pa nilang segment na Gimme5: Laro ng Barangay Henyo which is longer at mas maraming contestant ang naglaro kaya mas mahabang time ang kinailangan para sa naturang game segment.
Reaksyon ng Netizens
Matapos kumalat ang balita, halo-halong opinyon ang natanggap online. May mga nagsasabing hindi dapat sisihin ang contestant dahil hindi naman sinasadya ang insidente. Ngunit may iba rin na nagsasabing dapat mas mahigpit ang screening process ng contestants upang maiwasan ang ganitong klaseng mishap.
Ano ang Posibleng Kapalit ng Foreignoy?
Kung tuluyang tatanggalin ang Foreignoy, posible bang magkaroon ng panibagong segment na may parehong tema? May ilang haka-haka na maaaring palitan ito ng bagong format na may mas mahigpit na guidelines para sa contestants. May iba rin namang nagsasabing maaaring bumalik ang Foreignoy pero may pre-recorded segments na lang imbes na live.
Final Thoughts
Hanggang ngayon, inaabangan pa rin ng madla kung ano ang magiging final decision ng Eat Bulaga! tungkol sa segment na ito. Sa ngayon, ang Foreignoy ay hindi mapapanood sa programa, pero posibleng bumalik ito sa ibang paraan. Ano sa tingin nyo, dapat bang ibalik ang Foreignoy? Comment down below!
No comments:
Post a Comment