Umani ng pambabatikos mula sa ilang netizens, partikular na mula sa mga tinaguriang DDS (Diehard Duterte Supporters), sina Vhong Navarro at Kim Chiu matapos nilang gamitin ang salitang “Dasurv” sa isang segment ng It’s Showtime kamakailan.
Ngunit tila hindi ito ikinatuwa ng ilang DDS supporters, na agad naglabas ng maaanghang na komento sa social media. Ayon sa kanila, ang paggamit ng "Dasurv" ay may dating koneksyon umano sa mga panlalait o patama noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte—bagay na itinanggi ng mga tagahanga ng dalawa.
Sa kabila ng pambabatikos, marami ring netizens ang dumepensa kina Vhong at Kim, sinasabing wala namang masama sa paggamit ng salitang “Dasurv” dahil ito’y parte na ng modernong Filipino slang. Para sa kanila, tila sobrang pag-popolitisize na ang nagaganap at pinipilit lagyan ng malisya ang isang inosenteng expression.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na naba-bash ang mga hosts ng It’s Showtime dahil sa mga banter o salitang ginagamit sa show. Pero sa kabila ng mga isyung ito, nananatiling matatag at masaya ang programa, patuloy na naghahatid ng good vibes sa kanilang madlang people.
Ano sa tingin mo? Dasurv ba ang bashing o sobra na? Share your thoughts below!
No comments:
Post a Comment