Noong Pebrero 10, 2025, pumirma ng kasunduan ang MediaQuest Holdings, Inc., ang TV host na si Willie Revillame, at ang Golden Pacific Holdings, Inc. para sa pagtatayo ng isang bagong sampung-palapag na multi-purpose building sa Mandaluyong City. Ang proyektong ito, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P4 bilyon, ay itatayo sa tabi ng kasalukuyang TV5 Media Center.
Ang bagong gusali ay magtatampok ng mga makabagong studio, modernong opisina, at mga pasilidad tulad ng volleyball at basketball courts. Ayon kay Manuel V. Pangilinan, Chairman ng MVP Group of Companies, ang gusali ay pangunahing ilalaan para sa programang "Wil to Win" ni Willie Revillame, ngunit maaari rin itong gamitin para sa iba pang palabas ng TV5 kapag hindi ginagamit.
Sa kasalukuyan, ang "Wil to Win" ay ginagawa sa studio ng TV5 sa Novaliches, Quezon City. Sa pagkumpleto ng unang bahagi ng bagong gusali bago matapos ang taon, ililipat ang produksyon ng programa sa Mandaluyong. Plano rin ng MediaQuest na ibenta ang isang ektaryang property sa Novaliches, at ang bahagi ng kikitain mula rito ay gagamitin sa pagpapatayo ng bagong pasilidad.
Ang proyektong ito ay inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng operasyon ng MediaQuest at magbibigay ng mas modernong pasilidad para sa kanilang mga programa, na magdudulot ng kasiyahan sa mga Pilipino sa mga susunod na dekada.
Sa karagdagang ulat, magkakaroon ng dalawang phase umano ang proyektong ito. Ayon panayam ng Philippine Star kay Cignal TV President and CEO Ms. Jane Bases, ang unang phase ng pagdedevelop ng building ay ang mismo pagtatayo ng Studio W kung saan ay magiging bagong tahanan ng programang Wil To Win sa Mandaluyong. Nakita kasi ng management na napakalayo at hindi ganun kadaling makarating sa Novaliches studios dahil sa layo at sa traffic. Target umanong matapos ito sa pagtatapos ng 2025.
“Studio W is obviously going to be a new home of the Wil To Win show. So we’re going to uproot them from Novaliches when this is done and bring the show here. And that’s the phase one. That’s our priority,” Basas said.
Dagdag pa rito, ang phase two naman ng proyekto ay ang pagtatayo ng MVP Quest Building, isang 10-storey state-of-the-art building na magsisilbing bagong tahanan ng Eat Bulaga na kung tawagin ay Studio EAT, at ang Studio Q na magiging permanenteng tahanan naman ng iba pang mga kasalukuyan at upcoming Kapatid shows.
“There’s going to be a phase two where we’re building a 10-story building which will now house studio EAT, the new home of Eat Bulaga and Studio Q, which is the new home of the new other shows that MediaQuest will be doing between now and the future.”
The 10-story building will be called the MVP Quest Building.
Inihayag din ni Basas na kasama sa plano ang pagbebenta ng kanilang property sa Novaliches kung saan nakatayo ang TV5 Studio Complex na may isang hektarya ang lawak. Matatandaang ito ang naging unang tahanan ng Singko for 33 years now. Itinayo ito noong nakabalik ang network sa ere noong February 1992. Ito ay para makakalap ng karagdagang pondo para sa pagpapatayo ng naturang dream project.
“So part of the funds that we will use to build will be coming from the proceeds of the sale of Novaliches.”
No comments:
Post a Comment