Official na winelcome ng mga Dabarkads bilang special guest host ng Eat Bulaga! si Ms. Universe Philippines 2022 R'Bonney Gabriel.
Sa kanyang pagpasok bilang guest host, nakisaya siya sa iba't ibang segment ng programa, kabilang ang "Peraphy," kung saan ipinakita niya ang kanyang galing at pakikisalamuha sa mga kalahok at kapwa host.
Pinakita din nya ang kanyang galing sa pakikipagusap sa mga Foreignoys at tila bumagay ito sa kanya dahil nga kailangan din doon ng medyo fluent sa English.
Credits: TVJ
Ang kanyang pagpasok bilang guest host ay nagbigay ng dagdag na kasiyahan at inspirasyon sa mga manonood, lalo na sa mga kabataang Pinoy na humahanga sa kanyang mga tagumpay sa larangan ng pagandahan at fashion.
Kung ggradean naman si R'Bonney base sa ilang days niyang pagiging guest host so far from scale of 1 to 10 ay binigyan ko sya ng 7/10 dahil sa galing nya makipagusap sa mga Foreignoy, pero syempre kelangan pa rin nya ng konting improvement lalo na pagdating sa iba pang mga segments para makuha din nya ang loob ng mga manonood.
Samantala, naging Semi-Regular muna si Atasha Muhlach sa EB upang makapag-focus naman sya sa iba pa nyang mga projects sa labas ng noontime show! Ilang araw pa lang sya nawawala sa show pero ang dami nang naghahanap sa kanya.
Busy kasi sya lalo na ngayon at ilalaunch na ang kanyang single na "Handa na Ako", na naibalita na rin natin dito noong nakaraang araw.
No comments:
Post a Comment