Credits: MQuest Ventures
Ang theme song, na puno ng emosyon, drama, at lalim, ay tumutugma sa epic na tema ng pelikula. Sa unang beses na narinig ang kanta, marami ang namangha sa husay ni Zephanie sa paghatid ng damdaming sumasalamin sa kuwento ng "The Kingdom"—isang kwento ng tapang, sakripisyo, at tagumpay. Ang awiting may title na "Magkabilaan" ay original composition ni Joey Ayala at Ralph Dela Fuenta.
Hindi maitago ng mga viewers ang kanilang reaksyon, lalo na’t nakitaan si Zephanie ng mas mature na musicality. Ang kanyang boses ay nagbigay ng kakaibang dimension sa kanta, na nag-iwan ng malalim na impression sa mga nakapakinig nito. Ang ilan ay nagsabing hindi lang ito basta isang theme song, kundi isang obra na tatatak sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Sa mga tagahanga ni Zephanie, ito ay isang patunay na siya ay hindi lamang isang mahusay na mang-aawit kundi isang artistang kayang magdala ng malaking proyekto. Habang papalapit ang pagpapalabas ng "The Kingdom", lalo pang tumitindi ang excitement ng publiko, at ang theme song ay naging sentro ng hype para sa inaabangang epic film ng MMFF.
No comments:
Post a Comment