Photo Credits: TVJ
Ang Eat Bulaga, ang longest-running noontime show sa Pilipinas, ay patuloy na nagpapasaya at nagbibigay-inspirasyon sa mga manonood sa loob ng mahigit apat na dekada. Sa pamamagitan ng kanilang mga segment tulad ng “Juan for All, All for Juan” at iba pang proyekto, nagiging instrumento sila sa pagtulong sa mga nangangailangan at sa pagpapalaganap ng kabutihan.
Samantala, si Maine Mendoza-Atayde, na unang sumikat bilang "Yaya Dub," ay kinilala hindi lang bilang mahusay na aktres kundi bilang role model ng kabataan. Sa kabila ng kanyang kasikatan, nananatili siyang humble at patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang advocacies at pagpapakita ng tunay na malasakit sa kapwa.
Ang pagkilala bilang Makabata awardees ay patunay ng kanilang kontribusyon sa entertainment industry na may puso at malasakit, na tumutugma sa layunin ng Anak TV na itaguyod ang responsableng paggamit ng media para sa kabataan.
No comments:
Post a Comment