Ang "Eat Bulaga," na unang umere noong July 30, 1979, ay naging isang institusyon sa noontime television, kilala sa mga makukulay na segment, natatanging pagpapasaya, at pagbibigay ng tulong sa mga Pilipino. Sa kabila ng tagumpay nito, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng TAPE Inc., ang dating producer ng programa, at ng TVJ na nagresulta sa pagkakawatak-watak ng grupo at paglilipat ng programa sa ibang network.
Ang desisyon ng IPOPHL na kanselahin ang trademark registration ng TAPE Inc. ay batay sa argumento na ang pamagat ng "Eat Bulaga" ay mas kilala bilang bahagi ng widely-known identity ng TVJ at ng mga orihinal na tagalikha. Dahil dito, naibalik sa TVJ ang karapatang-ari sa titulo, na nagbigay sa kanila ng legal control sa paggamit at direksyon ng naturang brand.
Ang pagbawi ng "Eat Bulaga" ng TVJ ay trademark ng pagbabalik sa orihinal na diwa ng programa. Agad nilang inilunsad ang kanilang bersyon sa bagong tahanan nito, ang TV5, na may parehong sigla at dedikasyon sa pagpapasaya at serbisyo publiko. Samantala, patuloy namang gumagamit ang TAPE Inc. ng parehong titulo sa GMA 7, na naging sanhi ng mga karagdagang usaping legal hanggang sumapit ang January 6, 2024 kung saan ipinagutos naman ng Marikina City Regional Trial Court Branch 273 ang tuluyang pagpapahinto sa TAPE Inc. na gamitin ang 'Eat Bulaga' o 'EB' sa kanilang mga programa at lahat ng kanilang mga platforms. (Napilitan ang Jalosjos-led production firm na magpalit na lamang ng pangalan bilang 'Tahanang Pinakamasaya' hanggang ito ay PINASARA ng GMA noong March 7, 2024 dahil sa kakulangan ng advertisers at sponsors at mababang viewership mapa-TV at Online at higit sa lahat ang naiulat na lumobong P800M blocktime fees ng TAPE sa GMA na matagal na pala umanong hindi nababayaran)
Ang kaganapang ito ay nagbigay ng mahalagang aral ukol sa kahalagahan ng intelektuwal na ari-arian at ng pagprotekta sa identidad ng isang trademark. Sa kabila ng mga hamon, napanatili ng TVJ ang pagmamahal ng kanilang mga tagahanga, na patuloy na sumusuporta sa kanilang programa sa panibagong yugto ng "Eat Bulaga." Tuloy tuloy din ang pagbuhos ng advertisements at sponsors sa 45-year old na programa.
No comments:
Post a Comment