Ang Christmas Station ID ng TV5 para sa 2024, na pinamagatang "Hatid-Saya Ang Paskong Kapatid," ay nagbibigay-diin sa saya at pagbibigayan ngayong Kapaskuhan.
Tampok nito ang mga kilalang personalidad ng network, kabilang ang mga hosts ng kani-kanilang Top Rating Kapatid shows tulad ng Eat Bulaga!, Face To Face Harapan, Frontline Pilipinas, Lumuhod Ka Sa Lupa, Batang Quiapo, Da Pers Family, at marami pang iba, na nagpakita ng malapit na koneksyon sa mga manonood.
Ang mga sikat na personalidad mula sa iba't ibang programa ng network at maging mula sa ABS-CBN, na ang mga palabas ay ipinalalabas din sa TV5. Kabilang sa mga tampok na bituin ay ang mga Eat Bulaga! Dabarkads na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang hosts ng programa. Naroon din sina Willie Revillame ng Wil To Win, Korina Sanchez ng Rated Korina at Face to Face: Harapan, at mga anchor ng Frontline Pilipinas tulad nina Cheryl Cosim, Julius Babao, at Jiggy Manicad.
Kasama rin sina Ted Failon, Dimples Romana, at iba pang hosts ng Gud Morning Kapatid. Ang mga Kapamilya artists tulad nina Coco Martin (FPJ’s Batang Quiapo), Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Regine Velasquez-Alcasid ay lumahok din, pati na rin ang mga bituin ng ABS-CBN tulad nina Piolo Pascual, Bianca Gonzalez, at Melai Cantiveros. May mga manlalaro rin mula sa Premier Volleyball League (PVL) at Philippine Basketball Association (PBA) na nagpakita.
Ang music video ay tumagal ng 10 minuto, na mas mahaba kaysa sa karaniwang Christmas Station IDs ng TV5. Bukod sa mga artista, tampok din ang mga proyekto ng kanilang pangunahing advertisers tulad ng Unilever at Procter & Gamble, na nagpapakita ng mas malawak na naratibo para sa selebrasyon ng Pasko.
Ang kanta ay puno ng optimismo, kasabay ng mga makukulay na visuals at masiglang performances, na umaayon sa temang pagbibigay ng saya sa bawat Pilipino. Bagamat simple ang produksyon kumpara sa mas malalaking network, ang mensahe ng Paskong Kapatid ay nagmarka sa mga tagahanga sa pamamagitan ng pagiging relatable at puno ng puso.
Isa sa mga pinaka nagustuhan ko sa CSID na ito ng Singko ay kung paano magcelebrate ang typical na Pamilyang Pilipino ng Kapaskuhan -- nagsasama sama, naghahanda para sa noche buena, mga OFW na umuuwi sa Pilipinas at mga empleyadong umuuwi makasama lang ang kani kanilang mga Pamilya. Syempre hindi mawawala ang Christmas Party.
Nagustuhan ko din kung paano binigyan ng network ng halaga ang kanilang mga sponsors sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaniya kanyang spotlight. Mapapansin ito sa bawat sponsor ay may kanya kanya silang eksena.
Habang sinusulat ang balitang ito ay umabot na ng halos kalahating milyon ang online views ng Kapatid CSID at malapit nang maabutan ang online views ng CSID ng GMA. Inaabangan pa sa ngayon ang paglabas ng Christmas ID naman ng ABS-CBN ngayong gabi.
Positibo naman ang reaction ng mga netizens tungkol sa CSID ng Kapatid Network. Narito ang ilan sa mga comments:
Mapapanood ang Christmas Station ID ng TV5 sa lahat ng social media accounts ng Kapatid Network, pati narin sa mga sister stations nito na True FM, at News5 pati na rin sa One PH.
1 comment:
wow
Post a Comment